NuffnangX

Followers

Disclaimer

Unless otherwise stated, the products I review are items I have bought personally. I am not paid to write reviews for any product and I don't receive any type of compensation for advertising the same. Unless explicitly stated, I have no affiliation or relationship with the supplier of the products. Please be aware that my reviews about them, whether or not personally bought, are my honest opinion.

NANI+ MAGGIE'S Youtube Channel!

Category

Bon Marche (3) Brushes (2) DIY (2) Eyebrows (4) Eyes (26) Face (40) fashion (8) Food (24) FOTD (11) Hair (18) KKcenterHK (4) Lips (33) LOTD (5) Manels (1) Nails (32) NaniGGie (4) OOTD (13) Product Review (25) Relationship (6) Shoes (5) Skin Care (17) The Pinkish Hub (2) Underarm (1)

Tuesday, September 13, 2011

RANDOM Thoughts: Maggie+Nani Face


Sabi ng Professor ko sa Persons, magkamukha na daw kami ni Nani.

Tas kanina tinitignan ko mga litrato namin... parang medyo hawig kami kapag ganito ang itsura naming dalawa. HAHA







May mga nagsasabi na kapag kamukha mo na daw ang nobyo mo, ibig sabihin "soulmate" ninyo ang isa't isa. 


<3


Kinilig naman ako. Wala lang. HAHA

Love Trivia: Pareho kami ng pinasukang kolehiyo. Magkaiba kami ng kurso pero magkaklase kami sa Theology. Hindi pa namin gusto ang isa't isa noon at naasar talaga ako sa kanya kasi hindi siya sumisipot sa mga group meetings. Pasaway. LOL



Ayoko ng Grad Pic ko. Feeling ko hindi ako ito. :P

Akalain mong naging kami? HIHIHIHI ^__^


Photo Credit: Cielo (blockmate) 


Don't get the wrong idea... hindi pa kami ikakasal. NYAHAHA. Matagal pa. (may plano??? LOL) Mag-aaral muna kami at magpapayaman. Echos. Nilagay ko lang itong litratong ito kasi may kilala akong ikakasal ngayong taon. Atsaka ito yung chapel sa retreat namin noong nakaraang linggo na sabi ng kaklase ko magandang lugar para sa kasal. Lahat daw ng plano kumpleto na siya (venue, gown, at iba pa) pwera lang sa groom. LOL



Congratulations kina Ate Bud and Kuya Nikko!!! <3

Si Ate Bud ay kapatid ni Nani. Pareho rin silang abugado ng fiancee niya. Lapit na sila ikasal. Astig diba? POWER COUPLE! Sana malampasan din namin ni Nani ang law school tulad nila. ^_____^


PS. It's a little weird I posted a tagalog entry. But that's how I really speak in person minus the "malalim" tagalog words. I admit I talk Taglish but I avoid being conyotic, if you know what I mean. :P Minsan may halo pang gay lingo like echos, char. I do that when I talk to my close friends. Para masaya kasi light conversation lang naman. Well, my point of doing this is to show that I, too, can write or speak Tagalog well. (tas English yung pagkasulat ko... Magaling! Magaling! :P) Kung yung iba nga gamit nila iyong sariling wika nila sa pagsulat ng blog, naisip ko lang din subukan. Tutal halos mga Pinay bumibisita sa blog ko... alam ko maiintindihan niyo kung ano isusulat ko. ^___^ Pero nakakapanibago talaga. :P  

Have a great day! 


46 comments:

  1. Salamat Magz, feel free na magcoment saken ha kung may dapat pa akong iimprove :) hehe Sinauna ba talag? hehe kung sa bagay, as time goes by, nagiimprove ang mga bagay bagay.
    Keep me posted kapag nathread na nag brows mo. I'm excited na. hehe much love her. Thank you so much! muah :)YOu too take care and stay beautiful

    ReplyDelete
  2. Hahhaha! :) Nakakapanibago nga! :P

    And I agree sa grad pic mo because you look prettier in your everyday/regular pics! And OM! May hawig na nga kayo nang bf mo ♥ Yihee! Minsan din nasabihan nadin ako nyan, magkapatid ba daw kami :P Hahaha :))

    Love your post! ^_^

    ReplyDelete
  3. Hahhaha! :) Nakakapanibago nga! :P

    And I agree sa grad pic mo because you look prettier in your everyday/regular pics! And OM! May hawig na nga kayo nang bf mo ♥ Yihee! Minsan din nasabihan nadin ako nyan, magkapatid ba daw kami :P Hahaha :))

    Love your post! ^_^

    ReplyDelete
  4. aawww..very sweet naman! I miss college days tuloy....mmmm.. 

    ReplyDelete
  5. aawww..very sweet naman! I miss college days tuloy....mmmm.. 

    ReplyDelete
  6. nakakarelate sa "magkamukha na kayo ng bf mo" comments he he.. and oo. sabi nga nila soulmate daw. :) siguro nga.. love pa din namin isa't isa eh.super..:) cheesy.. happy for you sis.

    ReplyDelete
  7. ANg cute mo sa first pic sis. Love the lipstick

    ReplyDelete
  8. actually meron dati akala talaga magkapatid kami ayaw maniwala jowa ko ang mokong ha ha.. :)

    ReplyDelete
  9. you do have similar features. and don't worry, you're not the only one who hates your grad pic hahaha! 

    ReplyDelete
  10. you do have similar features. and don't worry, you're not the only one who hates your grad pic hahaha! 

    ReplyDelete
  11. Haha Thanks, Sugar. Di ko alam pero wala akong magandang shot nung araw na yon. Yan na yung pinakamaayos na napili ko. pero hindi pa rin talaga maayos. LOL hay.....

    ReplyDelete
  12. Thanks sis. I didn't wear lipstick in the picture. But I wore lipstain Ellana Mineral cheek/lip tint. if you put enough amount to cover the lips, it can look like a red matte lipstick. :P

    ReplyDelete
  13. Pag palagi daw kayo magkasama ng bf mo... nagiging magkamukha na kayo. I'm happy for you too! Cheers para sa mga inlove!!! <3

    ReplyDelete
  14. Thanks Ashley! Nakakamiss talaga. ^___^ Namiss ko na rin mga college friends ko. :P Tagal ko na rin silang di nakikita. ^__^

    ReplyDelete
  15. Thanks Ashley! Nakakamiss talaga. ^___^ Namiss ko na rin mga college friends ko. :P Tagal ko na rin silang di nakikita. ^__^

    ReplyDelete
  16. Thanks Val! Marami rin palang nakakarelate sa post ko. Hihihihi.

    ReplyDelete
  17. Thanks Val! Marami rin palang nakakarelate sa post ko. Hihihihi.

    ReplyDelete
  18. The first picture of you is sooooo cute!! =D

    ReplyDelete
  19. lol! [in tagalog, tawa ng malakas] haha~ ok tong post mo, galing :D cute nyong dalawa~ galingan nyo.imbitado kami sa kasal ha hehe~

    ReplyDelete
  20. nyahaha! Thanks Locke! Sana maging abugado kami pareho. Sige ba invite ko kayo. hihihi! :P

    ReplyDelete
  21. everything in this post is so cute tee hee~

    ReplyDelete
  22. pag tagalog, minsan mas dama yung kwento. haha! ang kuleeeet nung pictures niyo. btw babe, first time ko nakita gradpic mo. HAHAHAHA :))


    pero di lahat ng magkamukha, soulmate. ba't kami ni Jonats? kung soul mate kami edi sana hanggang ngayon kami pa din. hahaha. pero sana nga SOULMATES na kayo. BE HAPPY! :)

    ReplyDelete
  23. Nakakatuwa ang iyong buhay pag-ibig. Tunay nga naman na ang pag-ibig ay dumarating kahit hindi hanapin. :)

    ReplyDelete
  24. HAHA ang saya pala kapag tagalog, mas dama ang pag-ibig. Salamat Jes. Napakaganda ng mga sinabi mo! ^__^

    ReplyDelete
  25. OMG, huli na ba ako sa balita???? hindi na kayo ni Choco? sana nga soulmates kami! Salamat babe!

    ReplyDelete
  26. Hello maggie :) this is my very first time na magcomment sa blog mo! Bago palang kasi akong bumibisita dito like, hmmm, 2 months pero i pay a visit here everyday. natuwa ako sa post mo today! ang kyut! muah! nakakainspire! hehe - Jenny here :)

    ReplyDelete
  27. Hello Jenny! Thank you sa comment mo! Natutuwa akong malaman na palagi kang bumibisita sa blog ko! Huwag kang mag-atubiling magpost ng comment. ^__^ Nyahehehehe! Muah! Take care!

    ReplyDelete
  28. Hello Jenny! Thank you sa comment mo! Natutuwa akong malaman na palagi kang bumibisita sa blog ko! Huwag kang mag-atubiling magpost ng comment. ^__^ Nyahehehehe! Muah! Take care!

    ReplyDelete
  29. Mabuhay ang iyong buhay pag-ibig! Mabuhay! Magtagal pa nawa hanggang sa simbahan matuloy! :D ♥

    ReplyDelete
  30. haha yup. kwento ko pag may pagkakataon haha. di pa naman matagal mula nung nagbreak kami. hehe

    ReplyDelete
  31. Naku huli naman ako sa balita kahit sa fb parang hindi ko naramdamang nagkahiwalay na kayo. :P Basta ah kapag nagbonding tayo kwento mo! ^__^

    ReplyDelete
  32. Pano ba yan teh, ma-gay linggo din ako sa usapang harap-harapan. :)) Inggit ako sa mga taong kayang magsulat at magsalita ng malalim na Filipino, hanggang casual conversation lang ako. XD Ang cute niyo ng bf mo heehee :3

    ReplyDelete
  33. Thanks Dee. Nahirapan din akong magsulat ng tuluy-tuloy na tagalog kasi parang Fil Paper lang.. parang hindi ako. Haha! Kinilig si Nani sa sinabi mo. Hehehe! Pinabasa ko sa kanya. Natuwa siya sa mga kumento. hehe. Char.

    ReplyDelete
  34. wow salamat sa pagreply mo sa comment ko. natutuwa talaga ako :) at eto pa sa sobrang tuwa ko gumawa ako ng blog (na mukang basura!) kagabi para mafollow ko ang mga favorite kong bloggers (kasama ka na doon). Di ko pa pala nasabe, dahil sa cute mong eyebrows, kamukha mo si Jenny ng Full house :) Walang anuman Maggie. Patuloy akong susubaybay sa blog mo lalo pa't may internet na ako sa bahay ulit. hehe Muah. more power!

    ReplyDelete
  35. I'm your first follower. Yey ^___^ HIndi naman mukhang basura blog mo... you're just starting kaya siyempre onti pa laman. Just continue to blog and you'll surely improve. Nung nagsimula nga ako hindi ko talaga alam kung beauty blog, fashion blog, personal blog gagawin ko kaya sabog talaga ako non. Hahaha!.

    Thanks for the compliment. Lam ko medyo magulo eyebrows ko hehehe. But I'm glad you find it cute. hihihihi. Pag pumupunta kasi ako sa salon parang gustung-gusto nilang ishave or ithread. lol

    ReplyDelete
  36. naku nakakahiya Magz, you visited my blog pala (teka blog bang
    maituturing iyan?) hahaha mukang basura. di ko pa kasi sya naaayos. Pero
    maraming salamat sa pagvisit :) naiiyak tuloy ako hehe :) By weekend ko
    na siguro magagawa ang unang product review ko busy kasi sa work,
    actually nasa office ako ngayon :) ssshhh. hehe salamat! :)
    Salamat sa support :) sana nga magimprove. hehe Thanks Magz :)
    Want ko din ang ganyang eyebrow, thou minsan napapasobra ang pluck ko kaya numinipis. hehe Salamat sa pag-follow! mabuhay ka!

    ReplyDelete
  37. Naku wag ka mahiya Jenny! We all went through the same experiences when we started our blogs so don't be hesitant to promote your blog. Just be yourself and love everything you do and I'm sure your blog will prosper. Naku kung nakita mo lang kung ano itsura ng sinauna akong blog. HAHAHAHAHA! Ako try ko magpathread sa weekend para umayos eyebrows ko but I'll keep them as thick as possible. Takot kasi ako magpluck on my own. I have the tendency to overpluck. :P Take Care Jenny! And good luck sa work today! ^__^

    ReplyDelete
  38. hala parang ngayon ko lang nalaman na pilipino ka! haha..
    nakakatuwa naman basahin 'to kinilig ako.. naalala ko tuloy ang aking kabataan.
    ang pag-ibig nga naman! masaya ako para sayo!! sana sa simbahan na nga ang tuloy nyo!! ang saya! gusto ko pa bumasa ng mga ganito!!

    ReplyDelete
  39. You're welcome Jenny! Yup. SInauna talaga blog ko non. Wala pa akong nalalamang music background, Tabs, Personalized Banner etc. Hahaha! Tsaka na lang tong mga dagdag na palamuti sa blog ko. As you continue blogging, you'll be able to assess yourself on how you can improve your craft. In my case, I was and am inspired by several bloggers and readers I encountered online. At siyempre ngayong nalaman kong may sumusubaybay sa blog ko araw-araw *ahem*, nainspire ako lalo na pagbutihin ang pagboblog ko. <3 I'll update you about my brows. Sana talaga this weekend. Medyo busy din kasi ako. ^__^ Stay pretty!

    ReplyDelete
  40. Yes, Diane, Pinoy ako! :P hehehe! Salamat at nagustuhan mo! Susubukan kong magsulat pa ng mga kwentong pag-ibig tulad nito. Hahaha! ^___^

    ReplyDelete

Popular Posts